How would you know if you are in Angono? You can make your contribution, naisip ko lang.....nasa Angono ka na kung.......

Napunta na ako sa ibat-ibang lugar sa Pinas at lahat sila ay may tinatawag na "landmark" o madaling mapaglilanlan ika nga.....halos may 17 years na kami na nakatira sa Angono na tinatawag na "art capital" of the Phils. dahil sa kanyang angking galing sa sining at sa kanyang 2 anak ng sining na sina Botong Francisco at Lucio San Pedro.

Kung ikaw ay hindi taga Angono at ikaw ay nagawi sa bayang ito, alam na ikaw ay nasa Angono na kung......

nakita mo na ang lawa ng Laguna de Bay kung sa floodway ka dumaan.
nasa Angono ka na pag nakakita ka ng Sculpture na painter sa right side after ng Muzon, Taytay 
nasa Angono ka na pag may nakita ka na puno ng acacia, paglampas ng Muzon ulit....
nasa Angono ka na kung lumampas ka na sa 3 gasolinahan Shell, Caltex at JETTI.....
nasa Angono ka na pag nakakita ka ng mga Resin Statue na gawa ng YAB bago mag Iglesia oh di ba?
nasa Angono ka na pag nakita mo ang signage na may crematorium na mura daw at affordable sa Holy Garden....
nasa Angono ka na kung may nakita kang signage "this way to Loyola Retreat House"

nasa Angono ka na pag nakakita ka na ng dalawang ulo ng kalabaw na ang katawan daw ay nakalubog, at ang buntot ay nakina Kim JOE Lumber...........

nasa Angono ka na kapag nakakita ka ng malaking signage na AG- Assemblies of God logo......tapat ng JETTI gas station......

nasa Angono ka na pag trapik ka sa pagitan ng Joaquin Guido at Central Elementary School.....
nasa Angono ka na kapag nakakita ka ng Municipal Hall na di masyadong pansin kasi may maliit na plaza sa harapan at San Isidro Hospital sa katapat sa harapan at Angono General Hospital at URS sa likod......

nasa palengke ka na ng Angono kapag nakita mo mula sa malayo ang signage ng Jolibee na nasa UniShoppe Bldg, na may Parco Supermarket, kalapit nito ang SAVEMore o SM Grocery na maraming pinahina na tindahan sa palengke.......sabi ng ilan o marami.....

kung lumiko kA SA gilid ng public market sa Guido St. at dumeretso papuntang Hi-way, nasa Angono ka pa rin kung nakakita ka ng Statue of Liberty and Brooklyn Arch sa kanto ng Paso St. at Guido.......

nasa Angono ka pa rin kung nakita mo ang sikat daw na "Balaw-Balaw" sa may hi-way halos katapat o napagitnaan ng Nemiranda Cafe at Gallery School sa Dona Justa.....na may mga "higantes" paper mosaic.....

nasa Angono ka na kung ang mga jeepney driver ng sinakyan jeep mo ay galing ng Cubao o Binangonan, ay nagsabi na di sila dadaan ng Angono kapag may Hi-way ang kanilang signboard ay di raw sila dadaan sa Angono,,, ano sila lilipad......kung meron pa akong landmark sa Angono, paki add na lang haneh?

Comments

kung galing ka naman sa Antipolo?

kung galing ka naman sa LOres, ShopWise, at MIRA Mall papuntang Mahabang Parang na part na ng Angono sa Antipolo side....nasa Angono ka na kapag nakita mo ang DuraVIlle Subdivision at pakanan mula doon sa kanto,,, pababa ka na papuntang Angono pag nadaanan mo ang Hope Academy? at medyo pababang mahabang kalsada sa pagitan ng mga parang groove ng mga ipil at iba pa.....

nasa Angono ka na rin kapag nadaan ka sa "quarry" na operated ng LaFARGE....na dating operated ng Concrete Aggregates...